Saturday, October 24, 2015




Isyu sa Korapsyon


Ang Kapangyarihan ay isang delikadong bagay pag hindi nagamit sa mabuting paraan, kaya't kailangan ng masuring batayan kung kanino ito karapat dapat na ibigay. Sa pagpili ng mabuting pinuno , ang mga mamamayan ay kabahagi sa ganitong ka-kritikal na desisyon. Kung hindi naisakatuparan ng isang pinuno ang kaayusan sa isang bansa dahil sa pangaabuso nito sa kung anong kapangyarihang meron sya , hindi lang naman ekonomiya ng bansa ang madadamay kundi na rin ang buhay ng bawat tao sa bansa.



Pagsasaalang alang sa 2016 elections, panibagong presidente, panibagong kinabukasan ang ikakaharap ng bansa, maaaring mapabuti ang takbo ng ekonomiya at maaari naman hindi. Ilang taon na ba ang taong umaasa sa mabuting pamamalakad ng isang pinuno? Kung tutuusin mas napapansin ng tao ang pagkakamali ng isang pinuno kaysa sa mabuting nagawa nito. Isang malaking isyu ang kurapsyon na hanggang ngayon hindi parin nawawala sa malaking problemang ikinahaharap nating mga Pilipino. Ang
sariling Pera na pinaghihirapan ng bawat isa ang nakukuha na hindi naman dapat. Nakakawala ito ng hustisya st nagdudulot ng kahirapan sa mga mamamayan .tila wala itong katapusan at maaaring magpatuloy pa sa mga susunod na taon.


 Maaaring sabihin at nakakalungkot tawagin na ang gobyerno ay inutil pagdating sa mga ganitong bagay, hindi nila mapigilan ang tuksong bumabalot sa kanilang pagkatao ngunit ano pa nga ba ang magagawa? Dahil iyan naman ang buhay ng katotohanan. Hindi naman kasi porke't na sila ang nakakataas sa estado ay pwede na 
nilang gawin ang lahat ng bagay na gusto nilang isakatuparan. Sa totoo lang marami ng nahuli at nakulong dahil sa kurapsyon maging sa senado at sa presidente ay bidang bida ito pagdating sa ganitong usapan. Marami narin sa mga mamamayan ang namulat sa ganitong nakasanayang gawi ng gobyerno at sakatunayan ang iba nga eh nagrarally dahil lang dito. 


" Palitan ang Sistema "

" Itigil ang korapsyon "


 Sinong magpapalit ng Sistema? Pano ititigil ang kurapsyon? Eh kung saan ngang angulo natin tignan nandyan parin ang mga kurap. Ang magpapalit ng sistema ay yung mga kurap ring opisyales. Ititigil ang kurapsyon? Eh pano nga kung ang anticurruption agency ay kurap din. Idagdag na rin natin ang pagtaas ng sweldo, pano itataas? Eh dun rin kinukurap yung pangsahod.

Siguro nga ito ang dahilan kung bakit di umuunlad ang ekonomiya ng pilipinas at patuloy parin tayo sa paghihirap. Tanging ang kabataan nalang ang makakapagayos sa talamak na sistema. Sila ang ating kinabukasan at sila ang daan upang magkaroon ng hustisya at pagbabago sa bansa.